[...] Translators just didn't get recognition, they didn't expect to make much of a living, just get by. Very few people were actually trained as translators, but most had a solid college education and a solid knowledge of languages, at least their own language. I had a friend who fell exactly into that category and my circle of friends expanded to include other translators. I found them to be much more interesting as people, and discovered that we often had similar life experiences. I never had trouble making friends, but I always felt "different" and I'm sure they felt it too. When my friend retired, she recommended me as her replacement. I now entered the realm of Reinsurance, of which I knew nothing. I was also the only translator there, and didn't have much to fall back on. However, it was another notch up....
On my new job, I started looking through the files, asking questions and got the company to enroll me in Insurance courses. The College of Insurance was across the street, and I consulted fire codes, insurance policies and fire extinguisher catalogs in their library. I was learning what I had never had the luxury of being able to do before: research. The first time I had to translate a proposal for purposes of insurance of a nuclear plant, I got a call from the head man in that department, congratulating me on the job I had done. "Compares favorably with what we are used to," he said. What an upper! What happened was that I consulted a document in the files similar to the one I was tackling for guidance, but when I saw that my predecessor had used the word "nucleus" instead of "core", I realized that the files were useless to me. I went across the street to the library and looked up "nuclear plants." I immediately found all the terminology I needed.
It takes a great deal more than that to be a good translator these days, of course. [...] | [...] Bukod pa sa hindi nakikilala ang mga tagapagsaling-wika, hindi sila umaasang kumita nang malaki. Basta makaraos lang. Iilan lang ang tumanggap ng aktuwal na pagsasanay bilang mga tagapagsaling-wika, pero karamihan sa kanila ay nakatapos sa kolehiyo at may ganap na paggagap sa mga wika, kahit man lang ng sariling wika nila. Nagkaroon ako ng kaibigan na ganoon talaga at dumami pa ang mga kaibigan ko na mga tagasaling-wika. Para sa akin, mas interesante sila bilang mga tao, at natuklasan kong kadalasa'y may magkakapareho kaming mga karanasan sa buhay. Madali sa akin ang makipagkaibigan, pero palagi kong nararamdaman na "naiiba ako" at sigurado akong ganoon din sila. Nang magretiro ang kaibigan ko, nirekomenda niya ako bilang kapalit. Nakapasok na ako ngayon sa mundo ng Reinsurance, na hindi ko gamay. Nag-iisa rin akong tagapagsalin doon, at wala akong masyadong mahihingan ng tulong. Gayunpaman, ibang antas ng usapan iyon... Sa bago kong trabaho, sinimulan kong tingnan ang mga file, nagtanong-tanong ako at nakumbinse ko ang kompanya na i-enrol ako sa mga kursong kaugnay ng Pagpapaseguro. Nasa kabila ng kalye ang Kolehiyo ng Pagpapaseguro, at kinonsulta ko ang mga code na kaugnay ng sunog, mga polisa ng insurance at catalog ng mga pamatay-sunog sa aklatan. Natutunan ko ang bagay na wala akong oras na gawin dati: manaliksik. Nang unang beses na kailangan kong magsalin ng proposal para sa mga layon ng insurance ng plantang nukleyar, nakatanggap ako ng tawag sa pinuno ng kagawarang iyon. Binabati niya ako sa trabahong ginawa ko. "Mainam na katulad ng nakasanayan namin," aniya. Nakakatuwa iyon! Ganito ang nangyari: kinonsulta ko ang dokumento sa mga file na kagaya ng isinasalin ko para magsilbing gabay, pero nang makita kong ginamit ng mga nauna sa akin ang "nucleus" sa halip na "core", napagtanto kong hindi ko magagamit ang mga file. Pumunta ako sa aklatan sa kabila ng kalye at hinanap ang "nuclear plants." Kaagad kong nahanap ang salitang kailangan ko. Siyempre, higit pa roon ang kinakailangan para maging mahusay na tagapagsaling-wika sa mga panahong ito. [...] |